top of page

Totoo ba ang Trinity?




Juan 1:14


14 Naging tao ang Salita at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan.


Feeling nostalgic ako in the past weeks. Gusto kong makining ng mga kantang nakalakhan ko at manood ng mga TV shows at movies na napanood ko noon.


Nanonood ako ng Austin Powers nang dumaan ang aking panganay na anak. Naalala niya na pinanood namin ang pelikulang ito noong ako ay nasa college pa. Pre-school pa lang ang panganay ko noon.


Pumasok sa eksena si Dr. Evil at tinanong ako ng anak ko, “sino ang artista na yan?”


Sabi ko, “si Mike Myers din ang gumanap kay Dr. Evil.”


Sabi niya, “talaga, hindi ko alam na si Mike Myers pala yun.”


“Oo, nilagyan siya ng prosthetic na ilong,” dagdag ko.


Ang Trinity


Naisip ko tuloy ang konsepto ng Trinity. Base sa konseptong ito, mayroon tayong isang Diyos, pero 3 ang Kanyang persona– Diyos Anak, Diyos Ama, at Diyos Espiritu Santo o ang Banal na Espiritu.


Mahirap ipaliwanang ang Trinity. Pero kung si Mike Myers ay pwedeng maging si Austin Powers, Dr. Evil, Fat Bastard, at Goldmember sa isang pelikula, mas lalong hindi imposible sa ating Diyos na magkaroon ng 3 persona.


Bible Verses


Walang eksaktong Bible verse na nagsasabi tungkol sa Trinity, pero maraming verses ang nagpapatunay na totoo ang konseptong ito.


1. Pantay-pantay ang Trinity sa pananaw ni Jesus.


Mateo 28:19


19 Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


2. Si Jesus ay Diyos dahil Siya ang Salitang nagkatawang-tao. Base sa Bible, ang Salita ay Diyos.


Juan 1:1


1 Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos.


3. Ang Banal na Espiritu ay Espiritu ng Diyos.


Mateo 3:16


16 Nang mabautismuhan si Jesus, kaagad siyang umahon sa tubig. Nabuksan ang langit at nakita ni Jesus ang Espiritu ng Diyos na bumababang parang isang kalapati at dumapo sa kanya.


Base sa mga verses sa itaas, makikita natin na hindi maikakaila ang konsepto ng Trinity sa Bible.


Pagpapakukumbaba


Santiago 3:13


13 Sino sa inyo ang marunong at nakakaunawa? Ipakita niya ito sa pamamagitan ng wastong pamumuhay na bunga ng kapakumbabaan at karunungan.


May mga taong nahihirapan tanggapin ang konsepto ng Trinity at alam natin na maraming talata sa Bible ang mahirap maintindihan. Kaya naman, kailangan nating magpakumbaba para matanggap natin ang konseptong ito kahit na hindi natin lubos na maintindihan.


In Summary


Nakakabaliw ipaliwanag ang Trinity. Kailangan ng pagpapakumbaba para matanggap ang konseptong ito.


Uulitin ko, kung kaya Mike Myers na maging si Austin Powers, Dr. Evil, Fat Bastard, at Goldmember sa isang pelikula, mas kaya ng ating Diyos na magkaroon ng 3 persona.


Prayer of Salvation


Kaibigan, kung nais mong makilala si Jesus, ngunit hindi ka sigurado sa iyong pananampalataya, sabihin ang dasal na ito. Nakikita ng Diyos ang iyong puso, kaya bigkasin mo ang mga salita nang may lubos na paniniwala.


"Ama, ako ay makasalanan. Patawarin mo ako. Naniniwala ako na si Hesus ay namatay sa krus upang ako ay mabuhay nang masagana dito sa lupa hanggang sa langit. Baguhin mo ang aking puso at isip alinsunod sa iyong kalooban. Ito ang aking panalangin, sa makapangyarihang Pangalan ni Jesus, amen."


Kaibigan, kung dinasal mo ito ng may pananampalataya, naniniwala akong maayos na ang iyong relasyon sa Diyos.


Kung nais mong lumago sa iyong pananampalataya, humanap ka ng bible-based church. Maaari ka ring lumapit sa akin sa pamamagitan ng aking mga social media platforms at ang website na ito, www.high3r.com. Gusto kong makatulong sa iyong Christian growth.

Single Post: Blog_Single_Post_Widget
bottom of page