
Mga Awit 23:4
4 Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan,
wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay.
Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.
Bakit nga ba tayo nakakaranas ng matinding pagsubok sa buhay? Ang taong 2020 ay patunay na kahit ang mga Kristiyano ay dumaranas ng dagok sa buhay.
Hindi rin pare-pareho ang mga pagsubok. Marami ang nawalan ng trabaho, nagkasakit o iniwan ng katuwang sa buhay. Paano kung pumanaw ang mahal mo sa buhay? Paano kung ipinagdasal mo na bumuti ang kanilang kalagayan pero hindi ito nangyari? Kaya mo pa bang magtiwala sa Diyos?
Basahin natin ang testimony ni Deza Enriquez.
Rodante (Anim na Buwan)
Anim na buwan mula nang nangyari ang pinaka masakit na yugto ng aking buhay (ang pagpanaw ng aking ama na si Rodante). Anim na buwan na para akong nakalutang, sumusunod sa agos, at tinatangay ng hangin. Anim na buwan ko nang pinipilit huminga sa gitna ng malakas na ulan. Anim na buwan ko nang pinaniniwala ang aking sarili na panaginip lang ang lahat.
Anim na buwan na ang lumipas pero nabubuhay pa rin ako sa sakit. Sakit na kailan man ay hindi na mawawala. Sakit na dadalhin ko hanggang sa muli kitang mayakap at mahagkan.
Gayon pa man, ang nakalipas na anim na buwan ay ang panahon na binuhat ako ng Panginoon. Binuhat Niya ako noong hindi ko na kayang tumayo. Noong halos ayaw ko nang lumakad, ang Diyos ang nagsilbi kong paa. Sa loob ng anim na buwan na halos wala akong maramdaman, na kahit mahalin ang aking sarili ay parang imposible, minahal Niya ako.
Kahit na lumipas ang mahabang panahon na wala ako sa Kanyang bisig, Siya ay naghihintay pa rin sa aking pagbabalik. Muli Niya akong hinagkan at niyakap ng buong-buo, kasama ng lahat ng sugat at pagkakamali ko.
Lord, I may not know why you took my father from me too soon. Even though not understanding why broke me into pieces, I never questioned your motives, I never doubted your plans, I never mistrusted You for everything that had happened. Instead, I learned to trust you more. I learned to wait. I learned to heal and love myself more.
Thank you for the heartache that made me love, for the pain that made me strong, and for the experience that made rise. Thank you for giving this life, God, you took the fight, at ipinanalo mo ito!
Mga Awit 34:17-19
17 Agad dinirinig daing ng matuwid;
inililigtas sila sa mga panganib.
18 Tinutulungan niya, mga nagdurusa
at di binibigo ang walang pag-asa.
19 Ang taong matuwid, may suliranin man,
sa tulong ni Yahweh, agad maiibsan.
Prayer of Salvation
Kaibigan, kung nais mong makilala si Jesus, ngunit hindi ka sigurado sa iyong pananampalataya, sabihin ang dasal na ito. Nakikita ng Diyos ang iyong puso, kaya bigkasin mo ang mga salita nang may lubos na paniniwala.
"Ama, ako ay makasalanan. Patawarin mo ako. Naniniwala ako na si Hesus ay namatay sa krus upang ako ay mabuhay nang masagana dito sa lupa hanggang sa langit. Baguhin mo ang aking puso at isip alinsunod sa iyong kalooban. Ito ang aking panalangin, sa makapangyarihang Pangalan ng Jesus, amen."
Kaibigan, kung dinasal mo ito ng may pananampalataya, naniniwala akong maayos na ang iyong relasyon sa Diyos.
Kung nais mong lumago sa iyong pananampalataya, humanap ka ng bible-based church. Maaari ka ring lumapit sa akin sa pamamagitan ng aking mga social media platforms at ang website na ito, www.high3r.com. Gusto kong makatulong sa iyong Christian growth.
Kung may gusto kang i-share tungkol sa ating devotional story, mag-comment ka o kaya mag-send ng message sa akin. God bless you!