top of page

Relihiyon o Pakikipagkapwa-tao



Si Michael ay isang deboto at proud na proud si Michael na mapabilang sa kanyang religion.

Isa sa mga libangan ni Michael ang makipagdebate tungkol sa mga doktrina ng kanyang relihiyon sa Facebook. Kabilang siya sa isang religious page na kung saan nagpopost siya ng mga sensitibong topics tungkol sa Christian faith at nakikipagdebate sa ibang miyembro.

Madalas napipikon kay Michael ang kanyang mga kadebate dahil sa marami siyang alam tungkol sa Bible at magaling din mang-asar.

Alam ni Michael na marami ang nagagalit sa kanya tuwing nagpopost siya sa FB page na iyon, pero ayos lang ito sa kanya. Ang mahalaga kay Michael ay naipapaalam niya sa lahat ang doktrina ng kanyang mahal na religion.

Madami sa atin ang katulad ni Michael na mas pinapahalagahan ang doktrina ng relihiyon kaysa sa pakikisama sa kapwa.

Para mas maintindihan natin kung ano ang importante sa Panginoon, basahin natin ang verses para sa linggong ito, mula sa aklat ng Roma.

Roma 2:26-28

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version

26 Kaya't kung ang mga hindi tuli ay tumutupad sa mga itinatakda ng Kautusan, hindi ba maibibilang na rin silang parang mga tuli?

27 Kaya't siya na hindi tuli, subalit namumuhay ayon sa Kautusan, ang hahatol sa iyo, na tuli at mayroong Kautusang nakasulat, subalit sinusuway naman ito.

28 Sapagkat ang pagiging tunay na Judio ay hindi sa panlabas lamang, at ang tunay na pagtutuli ay hindi dahil tinuli ka sa laman.

Mula sa verses na ito, makikita natin na hindi importante ang pagiging Judio bagkus ang mas importante at kung paano mamuhay ng naayon sa Diyos.

Ito pa ang mga puntong natutunan ko mula sa verses sa itaas.

· Hindi mahalaga ang religion

· Ang mahalaga ay ang personal na relasyon kay Kristo

Talakayin natin ang mga puntong ito ng buong detalye.

Hindi Mahalaga ang Religion

Santiago 1:26

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version

26 Kung iniisip ninuman na siya'y relihiyoso ngunit hindi marunong magpigil ng kanyang dila, dinadaya lamang niya ang kanyang sarili at ang kanyang relihiyon ay walang kabuluhan.

Isa na naming patunay ang verse na ito na hindi mahalaga ang pagiging relihiyoso kung ang katumbas nito ay ang kawalan ng pakikisama at pagkakapwa-tao.

Ang karunungan sa Bibliya ay hindi ginagamit upang magmalaki at maghanap ng kamalian ng tao, bagkus ginagamit ito para lumalim ang ating pananampalataya sa Diyos.

Ang hangad ng Panginoon ay hikayatin natin ang ating kapwa na maging kabilang ng Christianity. Paano natin makukumbinsi na mabuti ang Diyos kung dinadaan natin sa debate at pakikipag-away ang paghahayag ng ating pananampalataya?

Ang Mahalaga ay ang Personal na Relasyon kay Kristo

Juan 14:23

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version

23 Sumagot si Jesus sa kanya, “Sinumang nagmamahal sa akin ay tutupad sa aking salita, at mamahalin siya ng aking Ama. Darating kami sa kanya at maninirahan kaming kasama niya.

Mas minamahal na ng karamihan ngayon ang kanilang relihiyon kaysa sa Diyos. Sabi ni Kristo, ang pinakamahalagang kautusan sa Bible ay ang pagmamahal sa Diyos, at pagmamahal sa kapwa.

Paano natin masasabi na mahal natin ang Panginoon kung nakikipag-away tayo sa ating kapwa?

Sabi sa verse sa itaas kung mahal natin ang Panginoon gagawin natin ang kanyang mga utos at kabilang na rito ang pagmamahal sa ating kapwa.

Kung talagang mahal natin si Jesus, ikalat natin ang mensahe Niya tungkol sa pag-ibig. Hindi Niya nanaisin na mag-away-away ang Kanyang mga anak dahil lang sa doktrina. Tandaan na mahal ng Diyos ang lahat ng tao.

In Summary

Mas mahalaga ang pakikitungo sa tao kaysa sa pagpapatupad ng doktrina ng isang relihiyon. Laging isipin na mahal ng Diyos ang lahat ng tao at mas gusto Niya na ang Kanyang mga anak ay nagkakasundo.

Unahin ang pagmamahal kay Jesus kaysa sa relihiyon. Huwag kalimutan na ang kaligtasan ay regalo ng Diyos sa lahat at kailangan lamang ng pananampalataya kay Kristo upang maligtas.

Prayer of Salvation

Kaibigan, kung nais mong makilala si Jesus, ngunit hindi ka sigurado sa iyong pananampalataya, sabihin ang dasal na ito. Nakikita ng Diyos ang iyong puso, kaya bigkasin mo ang mga salita nang may lubos na paniniwala.

"Ama, ako ay makasalanan. Patawarin mo ako. Naniniwala ako na si Hesus ay namatay sa krus upang ako ay mabuhay nang masagana dito sa lupa hanggang sa langit. Baguhin mo ang aking puso at isip alinsunod sa iyong kalooban. Ito ang aking panalangin, sa makapangyarihang Pangalan ng Jesus, amen."

Kaibigan, kung dinasal mo ito ng may pananampalataya, naniniwala akong maayos na ang iyong relasyon sa Diyos.

Kung nais mong lumago sa iyong pananampalataya, humanap ka ng bible-based church. Maaari ka ring lumapit sa akin sa pamamagitan ng aking mga social media platforms at ang website na ito, www.high3r.com. Gusto kong makatulong sa iyong Christian growth.

Kung may gusto kang i-share tungkol sa ating verse, mag-comment ka o kaya mag-send ng message sa akin. God bless you!

Single Post: Blog_Single_Post_Widget
bottom of page