top of page

Pagtitiyaga at Determinasyon



Ang Rocky 2 ay isang sports drama film na inilabas noong 1979 sa direksyon ni Sylvester Stallone. Nagsimula ang pelikula pagkatapos ng heavyweight boxing match ni Rocky laban sa kampeon na si Apollo Creed. Bugbog sarado si Rocky at nagkaroon ng mga pisikal na pinsala, kaya kinailangan niyang magdesisyon tungkol sa pagretiro sa boksing. Maari siyang mabulag kung itutuloy niya ang pagiging boksingero.


Nahirapan si Rocky na humanap ng bagong layunin at direksyon sa kanyang buhay. Wala siyang alam gawin kundi magboksing. Mabilis na naubos ang kanyang ipon dahil wala siyang mahanap na trabaho.


Sa huli, nagpasya si Rocky na ipagpatuloy ang boksing at hinamon niya si Apollo Creed sa isang rematch. Brutal na naglaban sa ring ang dalawang mandirigma para sa kampeonado na kung saan nagwagi si Rocky at naging kampeon.


Ang Rocky 2 ay nagtagumpay sa takilya at kumita ng higit sa $200 milyon sa buong mundo. Nakatanggap ito ng mga positibong review para sa direksyon at emosyonal na pagkukuwento. Ang Rocky 2 ay isa sa mga pinakamahusay na pelikulang pang-sports na nagawa.


Aral sa Rocky 2


Ang Rocky 2 ay naglalaman ng ilang mahahalagang aral, ngunit ang tumatak sa aking isip ay ang kahalagahan ng tiyaga at determinasyon sa harap ng pagsubok.


Maraming hamon and hinarap ni Rocky sa kanyang personal na buhay at sa kanyang karera sa boksing. Nagpumilit siyang humanap ng trabaho para matustusan ang kanyang pamilya pero walang tumatanggap sa kanya. Nilait siya ng masa at sinabing laos na siya. Sinabayan pa ng sarili niyang pagdududa at takot.


Sa kabila ng mga hadlang na ito, nananatiling determinado si Rocky at tumangging sumuko. Walang pagod siyang nagsanay para sa kanyang rematch laban kay Apollo Creed. Itinulak niya ang kanyang sarili na higitan ang kanyang mga pisikal at mental na limitasyon upang maging mas mahusay na boksingero.


Sa huli, nagbunga ang pagpupursigi ni Rocky. Naabot niya ang kanyang layunin na talunin si Apollo at maging heavyweight champion ng mundo.


Ang Rocky 2 ay isang magandang paalala na malalagpasan ng sinuman ang pinakamatinding balakid at makakamit ang kanilang mga pangarap kung may pagtitiyaga at determinasyon.


Pagtitiyaga at Determinasyon sa Bible


Ang Bibliya ay naglalaman ng maraming talata na nagsasabi sa kahalagahan ng pagtitiyaga at determinasyon sa gitna ng kahirapan. Narito ang ilang halimbawa:


Mga Taga-Roma 5:3-4 - Hindi lamang iyan. Ikinagagalak din natin ang mga kahirapang ating tinitiis, dahil alam nating ito'y nagbubunga ng pagtitiyaga. At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan naman ay nagbubunga ng pag-asa.


Santiago 1:2-4 - Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. 3 Dapat ninyong malaman na nagiging matatag ang inyong pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. 4 At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang.


Hebrews 12:1-2 - Kaya nga, dahil napapaligiran tayo ng napakaraming saksi, tanggalin natin ang anumang balakid at ang kasalanang kumakapit sa atin. Buong tiyaga tayong tumakbo sa takbuhing nasa ating harapan. 2 Ituon natin ang ating paningin kay Jesus. Sa kanya nakasalalay ang ating pananampalataya mula simula hanggang katapusan. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya inalintana ang kahihiyan ng pagkamatay sa krus, at siya ngayo'y nakaupo sa kanan ng trono ng Diyos.


Ang mga talatang ito ay nagpapaalala sa atin na ang tiyaga at determinasyon ay mahahalagang katangian para sa mga Christians. Sa harap ng mga pagsubok at pagdurusa, tinawag tayong manatiling matatag sa ating pananampalataya at magtiwala sa plano ng Diyos para sa ating buhay. Sa pamamagitan ng pagtitiyaga at determinasyon, maaari tayong umunlad sa pananampalataya at pag-asa, at sa huli ay makakamit natin ang ating mga pangarap at matupad ang layunin ng Diyos para sa ating buhay.


Mga Tanong:


  • Ano ang mga pagsubok na hinaharap mo ngayon?

  • Paano mo ipapakita nag iyong tiyaga at determinasyon?


Prayer of Salvation


Kaibigan, kung nais mong makilala si Jesus, ngunit hindi ka sigurado sa iyong pananampalataya, sabihin ang dasal na ito. Nakikita ng Diyos ang iyong puso, kaya bigkasin mo ang mga salita nang may lubos na paniniwala.


"Ama, ako ay makasalanan. Patawarin mo ako. Naniniwala ako na si Hesus ay namatay sa krus upang ako ay mabuhay nang masagana dito sa lupa hanggang sa langit. Baguhin mo ang aking puso at isip alinsunod sa iyong kalooban. Ito ang aking panalangin, sa makapangyarihang Pangalan ni Jesus, amen."


Kaibigan, kung dinasal mo ito ng may pananampalataya, naniniwala akong maayos na ang iyong relasyon sa Diyos.


Kung nais mong lumago sa iyong pananampalataya, humanap ka ng bible-based church. Maaari ka ring lumapit sa akin sa pamamagitan ng aking mga social media platforms at ang website na ito, www.high3r.com. Gusto kong makatulong sa iyong Christian growth.

Single Post: Blog_Single_Post_Widget
bottom of page