top of page

Nasasabik Ka Ba Kay Jesus?



1 Pedro 2:2-3


2 Gaya ng sanggol, kayo'y manabik sa dalisay na gatas na espirituwal upang lumago kayo tungo sa kaligtasan, 3 sapagkat “Naranasan na ninyo ang kabutihan ng Panginoon.”


High School. Nakakamiss maging isang high school student. Ito yung mga panahon na akala ko alam ko na ang lahat ng dapat kong malaman sa mundo. Iba ang pananaw ko sa buhay, napakasarap sumubok ng mga bagong bagay at humanap ng mga bagong kaibigan at karanasan.


Isa sa pinakamasayang karanasan sa high school ay ang pagkakaroon ng first love. Naalala mo pa ba kung sino ang first love mo?


Masayang magkaroon ng first love. Noong high school ako, wala pang internet at social media. Uso pa ang paggawa ng mga love letters gamit ang mababangong stationery, paghingi ng mga printed pictures na may dedication sa likod, at ang pagtawag sa payphone dahil wala pang cellphone noon. Damang-dama ko ang pananabik na makita at makausap ang aking first love.


Si Jesus at si Andres


Naalala ko ang tungkol sa first love habang nagde-devotion. Binasa ko ang kwento tungkol sa unang pagkikita ni Jesus at ni Andres, isa sa mga disipulo ni Jesus at ang kapatid ni Pedro (Juan 1:35-42).


Nakikinig si Andres at ang kanyang kaibigan kay Juan na taga baptismo nang dumaan si Jesus. Sinabi ni Juan sa mga nakikinig na si Jesus ang Kordero ng Diyos. Nang marinig ito ni Andres agad niyang sinundan si Jesus.


Kinausap ni Andres si Jesus at tumambay sila sa bahay ni Jesus.


Sa sobrang pananabik ni Andres, agad niyang ikinuwento sa kanyang kapatid na si Pedro ang tungkol sa pagsama niya kay Jesus. Ito ang simula ng kanilang paglilingkod kay Jesus.


Sobra ang pananabik ni Andres kay Jesus, parang isang high school student na nananabik sa kanyang first love.


Naisip ko kung nasasabik pa ba ako kay Jesus? Katulad ba ako ni Andres na nagnais na tumambay kasama ni Jesus? Nasasabik pa ba akong ikuwento si Jesus sa aking pamilya at mga kaibigan?


Ano ang gawain ng mga nasasabik kay Jesus?


Kung nasasabik tayo kay Jesus, ito ang mga bagay na dapat nating ginagawa:


  • Palaging nagdarasal

  • Palaging nakikinig ng Salita ng Diyos

  • Palaging inukuwento si Jesus


Palaging nagdarasal


Mga Awit 143:6


Magandang Balita Biblia


6 Ako'y dumalangin na taas ang kamay,

parang tuyong lupa ang diwa kong uhaw.


Dapat nasasabik tayong makausap si Jesus. Ugaliin nating magdasal paggising sa umaga at bago matulog sa gabi.


Palaging nakikinig ng Salita ng Diyos


Amos 8:11


Magandang Balita Biblia


11 Sinabi ng Panginoong Yahweh,

“Darating din ang araw na papairalin ko sa lupain ang taggutom.


Magugutom sila ngunit hindi sa pagkain; mauuhaw sila ngunit hindi sa tubig, kundi sa pakikinig ng aking mga salita.


Dapat nasasabik tayong makinig sa mga preaching at magbasa ng Bible. Basahin natin ang ating Biblia sa simula ng araw at bago matulog sa gabi. Huwag palampasin ang araw ng pagsamba at mga Bible study meetings.


Palaging inukuwento si Jesus


2 Timoteo 1:8


Magandang Balita Biblia


8 Kaya't huwag kang mahihiyang magpatotoo para sa ating Panginoon, at huwag mo rin akong ikakahiya, na isang bilanggo alang-alang sa kanya. Sa halip, makihati ka sa pagtitiis para sa Magandang Balita. Umasa ka sa kapangyarihan ng Diyos


Dapat sabik tayong ikuwento ang kabutihan ng Diyos sa ating pamilya at mga kaibigan. Purihin ang Diyos sa mga biyaya Niya sa ating buhay.


In Summary


Ang tunay na Kristiyano ay nasasabik kay Kristo. Dapat mayroon tayong pagnanais na makilala Siya ng lubusan.


Ugaliing magdasal, magbasa ng Bible, sumama sa mga Bible studies at magsimba.


Prayer of Salvation


Kaibigan, kung nais mong makilala si Jesus, ngunit hindi ka sigurado sa iyong pananampalataya, sabihin ang dasal na ito. Nakikita ng Diyos ang iyong puso, kaya bigkasin mo ang mga salita nang may lubos na paniniwala.


"Ama, ako ay makasalanan. Patawarin mo ako. Naniniwala ako na si Hesus ay namatay sa krus upang ako ay mabuhay nang masagana dito sa lupa hanggang sa langit. Baguhin mo ang aking puso at isip alinsunod sa iyong kalooban. Ito ang aking panalangin, sa makapangyarihang Pangalan ng Jesus, amen."


Kaibigan, kung dinasal mo ito ng may pananampalataya, naniniwala akong maayos na ang iyong relasyon sa Diyos.


Kung nais mong lumago sa iyong pananampalataya, humanap ka ng bible-based church. Maaari ka ring lumapit sa akin sa pamamagitan ng aking mga social media platforms at ang website na ito, www.high3r.com. Gusto kong makatulong sa iyong Christian growth.




Single Post: Blog_Single_Post_Widget
bottom of page