
May katrabaho ka bang gusto mong patayin?
Ako mayroon recently. Alam ko Christian blog ito pero magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi nangyari itong ikukuwento ko.
Patapos na kami sa aming project. Nagsubmit ako ng training materials for review sa isang SME (Subject Matter Expert) na nagpapasakit ng ulo ko. Pangalawang review na niya kasi at napakarami niyang pinabago noong unang review na nagpakomplika sa project na ginagawa ko. Siyempre, dahil kliyente ko siya, pinagbigyan ko naman.
Heto, na nga. Pangalawang review. Bakit daw nagbago, at hindi daw yun ang pinag-usapan namin. Masakit pa, dumiretso sa boss ko, hindi man lang ako ang kinausap muna.
Mabuti na lang maayos and relasyon namin ng boss ko at inirereport ko sa kanya ang lahat ng nangyayari sa project na ito. Kaya wala naman naging problema sa pag diretso niya sa boss ko.
Kaso naubos ang pasensya ko. Sinend sa akin ng boss ko yung feedback ng SME. Bakit ko daw binago ang learning materials? Hindi daw iyon ang pinag usapan namin. Isip-isip ko, nakalimutan ba niya na pinabago niya lahat iyon noong unang meeting namin?
Gusto kong gumawa ng isang email kung san kokontrahin ko lahat ng sinabi niya.
Gusto kong ipamukha sa kanya na lahat ng gusto niyang baguhin eh puro mga ideas niya. Gusto kong sabihin na napaka unprofessional niya at nadedelay ang project namin dahil sa incompetence niya. Gusto kong sabihin na mas gaganda ang mundo kung lilipat siya sa Mars.
Na-stress ako pero pinigilan ko ang sarili. Ginamit ko ang lahat ng lakas ko para huwag pumatol.
Nagdasal ako. Nanalangin ako sa Diyos na turuan ako kung paano diskartehan áng sitwasyon na ito. Nagulat na lang ako ng mag email si SME na magbabakasyon daw siya kaya ideretso ko na lang yung materials sa boss niya. Maayos ang relasyon ko sa boss ni SME dahil nakasama ko na ito sa isang successful na project. Masaya ako na didiretso na ako sa boss niya at hindi ko na siya makakatrabaho.
Mabuti na lang hindi ko pinatulan si SME. Tingin ko mas maganda para sa aking professional reputation na hindi ko na pinalaki ang gulo para sa kaayusan ng project. Alam kong si God ang nagbago ng sitwasyon ko at alam kong gagawin Niya ang mas makakabuti para sa akin.
Lucas 6:27-28
27 “Subalit sinasabi ko sa inyong mga nakikinig sa akin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ng mabuti ang mga napopoot sa inyo. 28 Pagpalain ninyo ang sumusumpa sa inyo at ipanalangin ang mga nang-aapi sa inyo.
Exodo 14:14
14 Ipagtatanggol kayo ni Yahweh, pumanatag lamang kayo.”
Mga Tanong:
May nakaaway ka ba sa trabaho?
Ano ang pwede mong gawin para mapag pasensiyahan mo ito?
Prayer of Salvation
Kaibigan, kung nais mong makilala si Jesus, ngunit hindi ka sigurado sa iyong pananampalataya, sabihin ang dasal na ito. Nakikita ng Diyos ang iyong puso, kaya bigkasin mo ang mga salita nang may lubos na paniniwala.
"Ama, ako ay makasalanan. Patawarin mo ako. Naniniwala ako na si Hesus ay namatay sa krus upang ako ay mabuhay nang masagana dito sa lupa hanggang sa langit. Baguhin mo ang aking puso at isip alinsunod sa iyong kalooban. Ito ang aking panalangin, sa makapangyarihang Pangalan ni Jesus, amen."
Kaibigan, kung dinasal mo ito ng may pananampalataya, naniniwala akong maayos na ang iyong relasyon sa Diyos.
Kung nais mong lumago sa iyong pananampalataya, humanap ka ng bible-based church. Maaari ka ring lumapit sa akin sa pamamagitan ng aking mga social media platforms at ang website na ito, www.high3r.com. Gusto kong makatulong sa iyong Christian growth.