
Colosas 2:16
16 Kaya't huwag ninyong hayaan ang sinuman na kayo'y hatulan sa mga bagay na may kinalaman sa pagkain at inumin, o sa kapistahan, o sa bagong buwan o sa mga araw ng Sabbath.
Sa panahon ngayon, hindi na maiiwasan ang Halloween celebration. Isa ito sa mga pangunahing pagdiriwang sa eskwela, trabaho at sa komunidad.
Naalala ko ang isang eksena sa church. Araw ng Linggo at Halloween kinabukasan noong taong iyon.
Sabi ng pastor, “Huwag na huwag kong makikita ang mga anak ninyo na naka-costume bukas. Ang Halloween ay hindi dapat sine-celebrate ng mga Kristiyano dahil ito ay araw ni Satanas. Binibihisan niyo ang mga bata na parang mga demonyito at demonyita tapos tuwang tuwa kayo.”
Matagal na panahon na ang lumipas mula noon pero hanggang ngayon, isa pa rin ito sa mga karaniwang tanong ng mga Kristiyano, masama bang i-celebrate ang Halloween?
Bakit ayaw i-celebrate ng Christians ang Halloween?
Ito ay alay kay Satanas.
Base sa Halloween history.
Ito ay araw ng mga mangkukulam.
Ito ay alay kay Satanas.
Ayon kay Anton Lavey, founder ng church of Satan, ibinibigay natin ang ating mga sarili kay Satanas tuwing nagsusuot tayo ng costume sa Halloween. Idinagdag pa ni LaVey na ang pagsunod sa mga tradisyon ng mga pagano ay unti-unting pag-aalay ng ating mga sarili sa demonyo.
Base sa Halloween history.
Ang orihinal na celebration ng Halloween ay para sa pista ni Samhain. Ang paniniwala ng mga tao noon ay nagkakalat si Samhain, ang diyos ng kamatayan, ng mga masasamang espiritu sa mundo para atakihin ang sangkatauhan.
Ang mga masasamang espiritu na ito ay nagbibigay ng sumpa sa mga tao tuwing sasapit ang dilim. Para makatakas ang mga tao mula sa masasamang espiritu, nagsusuot sila ng costume. Kunwari, mga masasamang espiritu rin sila.
Ito ay araw ng mga mangkukulam.
Halloween ang pinaka importanteng araw para sa mga miyembro ng relihiyon na Wicca. Wicca ang official na religion ng mga mangkukulam.
Pinaniniwalaan ng mga Wiccans na malakas ang connection ng pisikal at ispiritwal na mundo sa araw ng 31 October. Kaya naman pinakamagandang panahon ang Halloween upang kausapin ang mga namatay.
Panibagong Pananaw
Sa panahon ngayon, wala ng kinalaman sa mga bagay na ispiritwal ang celebration ng Halloween. Ipinagdiriwang ng mga taong nakikisali sa Halloween ang buhay, o ang tinatawag natin na celebration of life. Naging paraan ang Halloween para magsaya ang mga tao.
Ang mga creative ay masaya sa paggawa ng mga art, crafts, decorations at costumes tuwing Halloween. Sobrang saya ng mga bata habang nagsusuot ng costume at humihingi ng candy. Nagkaroon ng isa pang dahilan para mag-celebrate at mag-socialize ang mga pamilya at magkakaibigan.
Unahin Pagmamahal
Ngayong panahong ito, mas maganda na makita ng mga tao ang pag-ibig ng mga Kristiyano.
Sabi sa verse sa itaas, huwag nating husgahan ang ating kapwa base sa mga pistang kanilang ipinagdiriwang.
Ito ang panahon na dapat ipakita natin na kaya nating magmahal kahit pa magkaiba ang ating mga paniniwala. Huwag sana ang Kristiyano ang maging ugat ng away at galit sa panahon na ito. Kung ang mga tao ay kayang magpakita ng pagmamahal tuwing Halloween, dapat mas kaya ng mga Christians.
In Summary
Iba-iba ang paniniwala ng mga tao. May mga gustong mag-celebrate ng Halloween at may mga taong ayaw nito.
Respetuhin natin ang isa’t isa at ipakita na kaya nating magmahalan dahil ito ang nais ni Jesus.
1 Juan 4:19-21
Tayo'y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin. Ang nagsasabing “Iniibig ko ang Diyos,” subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay isang sinungaling.
Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita?
Ito ang utos na ibinigay sa atin ni Cristo: ang umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang mga kapatid.
Prayer of Salvation
Kaibigan, kung nais mong makilala si Jesus, ngunit hindi ka sigurado sa iyong pananampalataya, sabihin ang dasal na ito. Nakikita ng Diyos ang iyong puso, kaya bigkasin mo ang mga salita nang may lubos na paniniwala.
"Ama, ako ay makasalanan. Patawarin mo ako. Naniniwala ako na si Hesus ay namatay sa krus upang ako ay mabuhay nang masagana dito sa lupa hanggang sa langit. Baguhin mo ang aking puso at isip alinsunod sa iyong kalooban. Ito ang aking panalangin, sa makapangyarihang Pangalan ng Jesus, amen."
Kaibigan, kung dinasal mo ito ng may pananampalataya, naniniwala akong maayos na ang iyong relasyon sa Diyos.
Kung nais mong lumago sa iyong pananampalataya, humanap ka ng bible-based church. Maaari ka ring lumapit sa akin sa pamamagitan ng aking mga social media platforms at ang website na ito, www.high3r.com. Gusto kong makatulong sa iyong Christian growth.