top of page

Madali bang Maligtas?




Juan 17:3


3 At ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila na iisang tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo na iyong isinugo.


Nagte-train ako ng isang grupo ng call centre agents noon. Kasama sa training ay ang pagtuturo kung paano mag log-in at mag set ng password sa mga programs na kailangan nilang gamitin.


Isang beses, tinuruan ko kung paano mag set ng password ang aking klase. Narinig ko na napakaraming itina-type ng isang agent.


Pinaalahanan ko siya na maganda ang mahirap na password dahil secure ito, pero hindi dapat sobrang haba dahil maari siyang magkamali sa pag type at ma-lock out sa account niya.


Nagsabi siya na huwag daw akong mag alala dahil madali lang daw para sa kanya ang password na iyon.


Hindi lumipas ang araw at nagpatulong na siyang mag reset ng password dahil na lock na nga siya.


Normal para sa atin ang pagpapahirap ng mga simpleng bagay.


Sa basketball, marami ang aral ng aral ng mga circus shots bago unahin ang basics.


Sa buhay, isip ng isip kung paano mapapasaya ang ibang tao bago ang sarili.


Pati religion o pagsamba sa Diyos ay kinokomplika natin.


Simpe Lang


Juan 3:16


16 Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.


Madali lang intindihin ang konsepto ng pagiging Kristiyano.


  1. Makasalanan lahat ng tao.

  2. Mapupunta tayong lahat sa impiyerno.

  3. Ito ang dahilan kung bakit ibinigay ng Diyos si Jesus sa atin.

  4. Kailangang mamatay ni Jesus bilang kabayaran ng kasalanan ng sangkatauhan.

  5. Ngayon, lahat ng nananampalataya na niligtas tayo ni Jesus ay mapupunta sa langit.


Madaling konsepto pero napakahirap ng dinanas ni Jesus upang tayo ay maligtas.


Huwag Pahirapin


Mga Gawa 15:19-21


19 Nagpatuloy si Santiago, “Kaya't ang pasya ko'y huwag nating pahirapan ang mga Hentil na lumalapit sa Diyos.


Ang mga Hentil ay ang mga nananampalataya kay Kristo na hindi Hudyo. Pwede nating sabihin na tayo ay mga Hentil.


Kaya naman huwag na nating pahirapan ang ating mga sarili. Huwag nating problemahin ang daan-daang doktrina tungkol sa pananampalataya. Lalo pang huwag na nating bigyan ng problema ang mga bagong Kristiyano.


Huwag nating problemahin ang kasuotan, itsura, kinakain, o iniinom ng mga tao.


Ang mahalaga, mahalin natin ang ating Diyos ng higit sa lahat, mahalin natin ang ating kapwa gaya ng pagmamahal natin sa ating sarili, at ipaalam natin sa buong mundo na mahal na mahal tayo ng ating Diyos.


In Conclusion


Ang kaligtasan ay regalo ng Diyos. Hindi natin kailangan maghirap para mapunta sa langit.


Ginawa na ni Jesus ang trabaho para sa atin. Kailangan lang natin na manampalataya na si Kristo ay Diyos at ating Tagapagligtas.


Prayer of Salvation


Kaibigan, kung nais mong makilala si Jesus, ngunit hindi ka sigurado sa iyong pananampalataya, sabihin ang dasal na ito. Nakikita ng Diyos ang iyong puso, kaya bigkasin mo ang mga salita nang may lubos na paniniwala.


"Ama, ako ay makasalanan. Patawarin mo ako. Naniniwala ako na si Hesus ay namatay sa krus upang ako ay mabuhay nang masagana dito sa lupa hanggang sa langit. Baguhin mo ang aking puso at isip alinsunod sa iyong kalooban. Ito ang aking panalangin, sa makapangyarihang Pangalan ni Jesus, amen."


Kaibigan, kung dinasal mo ito ng may pananampalataya, naniniwala akong maayos na ang iyong relasyon sa Diyos.


Kung nais mong lumago sa iyong pananampalataya, humanap ka ng bible-based church. Maaari ka ring lumapit sa akin sa pamamagitan ng aking mga social media platforms at ang website na ito, www.high3r.com. Gusto kong makatulong sa iyong Christian growth.

Single Post: Blog_Single_Post_Widget
bottom of page