
Pwede bang gumawa ng mabuti ang mga taong hindi naniniwala sa Diyos?
Para sagutin ang tanong na ito, basahin natin ang ating devotional reading this week:
Roma 2:14-16
Magandang Balita Biblia
14 Kapag ang mga Hentil na hindi saklaw ng Kautusan ay gumagawa batay sa panuntunan nito ayon sa kanilang likas na pag-iisip, ito'y nagiging kautusan na para sa kanila.
15 Ipinapakita ng kanilang mga gawa na nakasulat sa kanilang puso ang panuntunan ng Kautusan.
Pinapatunayan din ito ng kanilang budhi, sapagkat kung minsan sila'y sinusumbatan nito; at kung minsan naman, sila'y ipinagtatanggol nito sa kanilang isipan.
16 Ayon sa Magandang Balitang aking ipinapangaral, gayon ang mangyayari sa Araw na ang mga lihim ng mga tao'y hahatulan ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus.
Base sa mga verses na binasa natin, naiintindihan ng lahat kung ano ang tama o mali. Kahit sino ay puwedeng gumawa ng mabuti, kahit hindi sila naniniwala sa Diyos.
Ito pa ang mga natutunan ko mula sa verses na binasa natin.
Hindi kailangan maging Christian ng isang tao para gumawa ng tama
May konsensiya o budhi ang tao
Kailangan ng lahat ng tao si Kristo
Pag-usapan natin ang mga puntong ito.
Hindi Kailangan maging Christian para Gumawa ng Tama
Lucas 6:32-34
Magandang Balita Biblia
32 “Kung ang nagmamahal lamang sa inyo ang inyong mamahalin, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Ang mga makasalanan man ay nagmamahal din sa mga nagmamahal sa kanila.
33 Kung ang mga gumagawa lamang ng mabuti sa inyo ang gagawan ninyo ng mabuti, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Kahit ang masasamang tao ay gumagawa rin niyan!
34 At kung ang makakabayad lamang ang inyong pauutangin, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Kahit ang masasamang tao ay nagpapautang din sa kapwa nila masama, sa pag-asang sila'y mababayaran.
Sabi sa mga verses na ito, gumagawa rin nang kabutihan ang masasamang tao, pero may limitasyon.
Pero kung iisipin nating mabuti, may limitasyon din naman ang pagtulong ng mabubuting tao kaya nga kinailangan pang hikayatin ni Jesus ang mga tao na tumulong ng walang hinihintay na kapalit.
Base dito, puwede nating sabihin na kayang gumawa ng mabuti ng tao kahit wala sa buhay nila si Kristo.
May Konsensiya o Budhi ang Tao
Ito rin ang patunay na lahat ng tao ay may konsensiya. May isang tinig na nagsasabi sa atin kung ano ang tama at mali, kahit na hindi tayo naniniwala sa Diyos.
Base sa binasa nating mga verses, and budhi ay nagsisilbing batas na sinusunod nang tao para mamuhay nang marangal.
Dahil dito, masasabi nating may pananagutan ang lahat ng tao sa Diyos dahil sa angking kaaalaman tungkol sa kabutihan at kasamaan.
Kailangan ng Tao si Kristo
Juan 3:16
Magandang Balita Biblia
16 Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Base sa verse na ito, napag-alaman natin na may kapahamakan na parating sa mga taong hindi nananampalataya sa Diyos. Bigyan ko kayo ng background tungkol dito.
Dahil alam ng tao kung ano ang tama o mali, lahat tayo ay mananagot sa Diyos sa araw ng paghuhusga. Lahat ng tao na hindi naniniwala kay Kristo ay pupunta sa impiyerno at lahat naman ng naniniwala sa kanya ay pupunta sa langit.
Sabi sa Bible, ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Kaya naman inalay ni Jesus ang kanyang buhay sa krus para mabayaran ang kasalanan ng lahat tao. Walang kasalanan si Kristo kaya naman ang kanyang buhay ay naging sapat na kabayaran para sa kasalanan ng lahat ng tao mula noon hanggang ngayon.
In Summary
Lahat ng tao ay may kakayahan na gumawa ng mabuti. Hindi kailangan ng religion para magkawang-gawa.
Dahil sa ating budhi, kaya nating piliin na gumawa ng mabuti o masama. Dahil rin dito, tayo ay may pananagutan sa Diyos sa araw ng paghuhukom.
Si Kristo lamang ang maaring magligtas sa atin sa araw na ito dahil lahat ng tao ay gumagawa ng kasalanan. Kailangan nating manampalataya kay Kristo upang hindi tayo mapunta sa impiyerno, at bagkus mabuhay nang walang hanggan sa langit.
Prayer of Salvation
Kaibigan, kung nais mong makilala si Jesus, ngunit hindi ka sigurado sa iyong pananampalataya, sabihin ang dasal na ito. Nakikita ng Diyos ang iyong puso, kaya bigkasin mo ang mga salita nang may lubos na paniniwala.
"Ama, ako ay makasalanan. Patawarin mo ako. Naniniwala ako na si Hesus ay namatay sa krus upang ako ay mabuhay nang masagana dito sa lupa hanggang sa langit. Baguhin mo ang aking puso at isip alinsunod sa iyong kalooban. Ito ang aking panalangin, sa makapangyarihang Pangalan ng Jesus, amen."
Kaibigan, kung dinasal mo ito ng may pananampalataya, naniniwala akong maayos na ang iyong relasyon sa Diyos.
Kung nais mong lumago sa iyong pananampalataya, humanap ka ng bible-based church. Maaari ka ring lumapit sa akin sa pamamagitan ng aking mga social media platforms at ang website na ito, www.high3r.com. Gusto kong makatulong sa iyong Christian growth.