top of page

Bakit Kamangha-mangha ang Bible?


Nagkaroon ng riot sa loob ng US Capitol kamakailan. Nakakita ng bagong Covid strain na mas nakakahawa kaysa sa naunang covid strain. Napabalita ang rape and murder na kaso ng isang stewardess. Nakakalungkot ang mga balitang nakikita natin kung kaya’t napakahirap isipin na maganda ang mundong ating ginagalawan.


Mahirap makita ang kabutihan at kagandahan ng ating mundo kung kaya’t hinihikayat ko ang lahat na magkaroon ng panahon na magbasa ng Bible at manalangin sa Diyos.


Upang lalo tayong ganahan sa pagbabasa sa Bibliya, tatalakayin natin kung bakit kamangha-mangha ang aklat na ito. Gaya ng sinasabi ko sa High3r.com, napakalaki ng bahagi ng Bible sa pagbabago ng aking buhay. Masasabi ko na ang aking kwento ay isang patunay na nakabubuti ang pagbabasa ng Bible sa ating buhay.


Pero totoo rin na napakaraming tao ang gumamit ng Bible para sa pansariling layunin kung kaya’t marami na rin ang mga taong nawawalan ng tiwala sa kabutihang idinudulot ng aklat na ito.


Sabi nga ni Eugene Peterson, isang Bible scholar at author ng The Message Bible translation, kapag ibinigay natin ang Bible sa tao at hinayaan natin silang magbasa nito ng walang gabay, para na rin nating pinagmaneho ang isang teenager kahit na hindi pa sila marunong mag-drive.


Lubos na mabuti ang aklat na ito pero maari pa rin itong gamitin sa kasamaan.


Ang panalangin ko ay makatulong ang devotional story na ito upang mas lalo nating maunawaan kung ano ang Bible at nawa’y maging sandigan ang aklat na ito tuwing makakaranas tayo ng pagsubok sa buhay.


Simulan na nating talakayin kung ano ang Bible.


Isang History Book


Ang Bible ay isang history book. Marami ang nag-iisip na ang Bible ay koleksiyon lamang ng mga istorya na kathang isip at nakakaenganyong mga kasabihan, pero ang katotohanan ay ang Bible ay isang history book.


40 na authors ang nagtulong-tulong upang mabuo ang Bible. Isang himala na nagkaroon ng isang maayos na mensahe ang Bible kahit na inabot ng 1600 na taon ang pagsusulat nito. Tandaan natin na wala pang internet o kahit anong teknolohiya na maaring gamitin upang magkasundu-sundo ang mga manunulat na ito. Ganun pa man, perpektong nagugnay-ugnay ang mga kwentong nakatala sa Bible.


Napakabuti ng pagkakasinop sa mga aklat ng Bibliya. Noong 1947, nadiskubre ang Dead Sea Scrolls. Nilalaman nito ang mga orihinal na aklat ng Bible. Natuklasan ng mga scholars na hindi nagbago ang nilalaman ng mga aklat kahit pa naisalin na ito sa ibang salita.


Maari ba nating paniwalaan na ang Diyos ang siyang nagsilbing konduktor para maayos at magkasunud-sunod ng tama ang ang mga librong nakasulat sa Bible?


Kamangha-mangha


Tunay na nakakamangha ang Bibliya. Nagbibigay ebidensya ang Bible sa Science, at nagbibigay ng ebidensya ang Science sa Bible.


1 Corinto 15:41

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version


41 May isang uri ng kaningningan ang araw, at iba ang kaningningan ng buwan, at iba rin ang kaningningan ng mga bituin; at ang mga bituin ay magkakaiba rin ng kaningningan.


Sabi sa Corinthians, walang bituin sa langit ang magkatulad. Wala pang telescope noong mga panahon na iyon pero alam na ng nag-akda na unique ang mga bawat isang bituin.


Levitico 17:11

Magandang Balita Biblia


11 Sapagkat ang buhay ay nasa dugo at iniuutos ko na dapat ihandog iyon sa altar bilang pantubos sa inyong buhay.


Sabi pa sa libro ng Leviticus, nasa dugo ang buhay kahit na hindi pa naiintindihan ng mga tao ang oxygenation ng mga panahon na iyon.


Aklat ng Pag-Ibig


Ang kamangha-manghang aklat na ito ay ang paraan ng ating Diyos upang maipaalam sa atin kung gaano niya tayo kamahal. At habang patuloy tayong nagbabasa ng Bible, lalo nating makikilala ang ating ama na nasa langit.


Josue 1:8

Magandang Balita Biblia


8 Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon, magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay.


Prayer of Salvation


Kaibigan, kung nais mong makilala si Jesus, ngunit hindi ka sigurado sa iyong pananampalataya, sabihin ang dasal na ito. Nakikita ng Diyos ang iyong puso, kaya bigkasin mo ang mga salita nang may lubos na paniniwala.


"Ama, ako ay makasalanan. Patawarin mo ako. Naniniwala ako na si Hesus ay namatay sa krus upang ako ay mabuhay nang masagana dito sa lupa hanggang sa langit. Baguhin mo ang aking puso at isip alinsunod sa iyong kalooban. Ito ang aking panalangin, sa makapangyarihang Pangalan ng Jesus, amen."


Kaibigan, kung dinasal mo ito ng may pananampalataya, naniniwala akong maayos na ang iyong relasyon sa Diyos.


Kung nais mong lumago sa iyong pananampalataya, humanap ka ng bible-based church. Maaari ka ring lumapit sa akin sa pamamagitan ng aking mga social media platforms at ang website na ito, www.high3r.com. Gusto kong makatulong sa iyong Christian growth.


Kung may gusto kang i-share tungkol sa ating devotional story, mag-comment ka o kaya mag-send ng message sa akin. God bless you!




Single Post: Blog_Single_Post_Widget
bottom of page