top of page

Bakit Hindi Lamang Aklat ng Prinsipyo at Pangako ang Bible?



May kaibigan akong teacher na nagka-ulcer dahil sa sobrang pagpa-fasting. Itago natin siya sa pangalang Stella. Nagkaroon ng prayer and fasting drive ang kanilang church at masayang sumali si Stella sa gawaing ito. Naging matagumpay ang prayer at fasting drive kung kaya lalo pang pinagbuti ng church ang pag-oorganisa ng gawaing ito. Nagsimula sa mga 1-hour fasting, 3-day fasting at nang lumaon ay naging 5-day fasting.


Nagulat na lamang si Stella nang biglang sumakit ang kanyang sikmura. Nagpatingin siya sa doctor at sinabi nga sa kaniya na mayroon siyang sakit na ulcer.


Si Ben ay isang matandang lalake na ang mayroong terminal cancer. Si Ben ay nagpatingin sa iba’t-ibang doctor pero isa lang ang naging resulta, mayroon na lamang siyang ilang buwan para mabuhay.


Nagpunta si Ben sa isang church at narinig niya roon ang tungkol sa mga mirakulong nangyayari kapag tayo’y nagbibigay sa simbahan. Dahil sa pagnanais na humaba ang kanyang buhay, ibinenta ni Ben ang lahat ng kanyang ari-arian at ibinigay ito sa simbahan. Pagkatapos ng ilang buwan, sumakabilang-buhay si Ben at nabaon sa utang ang kanyang pamilya.


Makikita natin na naimpluwensiyahan si Ben at Stella ng mga church leaders na nagkaroon ng maling interpretasyon sa Bible. Kumuha ng mga talata sa Bible ang mga church leaders na ito at ginawang literal na prinsipyo at pangako.


Kaya naman muli, hinihikayat ko ang bawat isa na magkaroon ng sariling pagsusuri sa Bible para hindi tayo matulad kina Ben at Stella.


Ang Bible ay Hindi Lamang Aklat ng Prinsipyo at Pangako


Juan 5:39


39 Sinasaliksik ninyo ang mga kasulatan, sapagkat iniisip ninyo na sa pamamagitan ng mga ito'y magkakaroon kayo ng buhay na walang hanggan. Ang mga ito ay nagpapatotoo tungkol sa akin.


Ganito ang eksena sa Juan 5:39: Kinakausap ni Jesus ang mga Pariseo at Saduceo tungkol sa gawain nilang gamitin ang kasulatan para bumuo ng prinsipyo o kaya maniwala sa mga propesiya. Pero sinabi ni Jesus na ang kasulatan ay hindi lamang para pagbasehan ng mga prinsipyo o kaya pagkuhanan ng mga pangako, bagkus naisulat ang mga ito para patunayan na si Kristo ay Dios at Tagapagligtas.


Kaya naman dapat hinahanap natin si Kristo sa bawat talata kapag nagbabasa tayo ng Bible. Tanungin natin ang ating sarili kapag nagbabasa tayo sa Bible:


Ano kaya ang gagawin ni Jesus sa ganitong sitwasyon?


Gagamitin kaya ni Jesus ang mga nakasulat dito para makipagdebate?


Gagamitin kaya ni Jesus ang mga nakasulat dito para magalit at makipag-away sa kapwa?


Hindi natin masasabi kung ano ang gagawin ni Jesus. Puwede Niyang hayaan tayo sa ating sitwasyon para matuto tayong magsumikap at lumago tayo bilang Kristiyano. Puwede rin Niyang baguhin ang ating sitwasyon kung ito ang mas mabuti para sa atin.


Pero sigurado akong gagamitin Niya ang kasulatan para ipaalam sa lahat kung gaano Niya tayo kamahal. Gagamitin ni Jesus ang kasulatan para sabihin sa atin na ginampanan na Niya ang lahat ang obligasyon natin na nakasaad sa Bible at kailangan na lang natin na manampalataya sa Kanya upang tayo’y maligtas.

In Summary


May mga prinsipyo bang nakasulat sa Bible? Oo. Napakarami. Pero dapat nating basahin ang mga prinsipyong ito mula sa pananaw ni Jesus.


May mga pangako ba sa Bible? Oo. Muli, dapat nating asahan ang mga pangakong ito mula sa pananaw ni Jesus.


Kung hindi, maari tayong matulad kina Ben at Stella, na ginamit ang mga prinsipyo at pangako sa Bible sa maling kaparaanan. Sa huli, sila rin ang nagsisi.


Prayer of Salvation


Kaibigan, kung nais mong makilala si Jesus, ngunit hindi ka sigurado sa iyong pananampalataya, sabihin ang dasal na ito. Nakikita ng Diyos ang iyong puso, kaya bigkasin mo ang mga salita nang may lubos na paniniwala.


"Ama, ako ay makasalanan. Patawarin mo ako. Naniniwala ako na si Hesus ay namatay sa krus upang ako ay mabuhay nang masagana dito sa lupa hanggang sa langit. Baguhin mo ang aking puso at isip alinsunod sa iyong kalooban. Ito ang aking panalangin, sa makapangyarihang Pangalan ng Jesus, amen."


Kaibigan, kung dinasal mo ito ng may pananampalataya, naniniwala akong maayos na ang iyong relasyon sa Diyos.


Kung nais mong lumago sa iyong pananampalataya, humanap ka ng bible-based church. Maaari ka ring lumapit sa akin sa pamamagitan ng aking mga social media platforms at ang website na ito, www.high3r.com. Gusto kong makatulong sa iyong Christian growth.


Kung may gusto kang i-share tungkol sa ating devotional story, mag-comment ka o kaya mag-send ng message sa akin. God bless you!



Single Post: Blog_Single_Post_Widget
bottom of page