
Mga Gawa 3:11-12
11 Habang nakahawak siya kina Pedro at Juan sa lugar na tinatawag na Portiko ni Solomon, patakbong lumapit sa kanila ang mga taong takang-taka sa nangyari.
12 Nang makita ni Pedro ang mga tao, sinabi niya, “Mga Israelita, bakit kayo nagtataka sa nangyaring ito? Bakit ninyo kami tinititigan? Akala ba ninyo'y napalakad namin siya dahil sa sarili naming kapangyarihan o kabanalan?
Isa akong composer at mahilig akong gumawa ng kanta. Sinasabi ko na inaalay ko sa Diyos ang aking talento pero kung magpapakatotoo ako, madalas na pinapangarap ko ang kasikatan at kayamanan. Iniisip ko na ikasisikat ko ang bawat kantang isinusulat ko.
Gumawa ako ng libro at sinabi ko na para ito sa Diyos. Pero madalas kong maisip na sana maging sikat, mayaman at makapangyarihan ako. Iniisip ko na ikasisikat ko ang bawat librong isinulat ko.
Ipinagdarasal ko lagi na itama ng Diyos ang puso ko. Dahil sa totoo lang, nawawala ang kaligayahan sa paggawa ng kanta at pagsulat dahil nadadaig ito ng pagnanais na sumikat. Iniisip ko na kasikatan ang gantimpala, pero ang totoo, ang mismong paglikha ng musika at kasulatan ang gantimpala.
Sabi sa Mga Gawa 3:11-12, sinaway ni Pedro ang mga tao nang isipin ng mga ito na mayroon siyang kapangyarihan.
Dalangin ko na maging katulad ni Pedro. Gagawin ko ang mga bagay na gusto ko dahil nagbibigay ito ng ligaya sa aking puso, at hindi dahil magiging sikat ako. Para naman tuwing may naririnig akong magandang tono o tunog, o kaya magandang ideya o kwento sa aking isip, magiging lubos ang kaligayahan sa aking puso.
Prayer of Salvation
Kaibigan, kung nais mong makilala si Jesus, ngunit hindi ka sigurado sa iyong pananampalataya, sabihin ang dasal na ito. Nakikita ng Diyos ang iyong puso, kaya bigkasin mo ang mga salita nang may lubos na paniniwala.
"Ama, ako ay makasalanan. Patawarin mo ako. Naniniwala ako na si Hesus ay namatay sa krus upang ako ay mabuhay nang masagana dito sa lupa hanggang sa langit. Baguhin mo ang aking puso at isip alinsunod sa iyong kalooban. Ito ang aking panalangin, sa makapangyarihang Pangalan ni Jesus, amen."
Kaibigan, kung dinasal mo ito ng may pananampalataya, naniniwala akong maayos na ang iyong relasyon sa Diyos.
Kung nais mong lumago sa iyong pananampalataya, humanap ka ng bible-based church. Maaari ka ring lumapit sa akin sa pamamagitan ng aking mga social media platforms at ang website na ito, www.high3r.com. Gusto kong makatulong sa iyong Christian growth.