top of page

Ano ang Repentance sa Ayon sa Mensahe Ni Jesus?



Mga Gawa 3:19-20


19 Kaya nga, magsisi kayo at magbalik-loob sa Diyos upang patawarin ang inyong mga kasalanan, 20 at nang sa gayon ay sumapit ang panahon ng pagpapanibagong lakas mula sa Panginoon. Susuguin niya si Jesus, ang Cristong hinirang mula pa noong una para sa inyo.


Ayaw na ayaw ko ng pagbabago. Ang pangarap ko noong bata pa ako ay mabuhay at mamatay sa probinsya na aking kinalakihan. Isa ako sa mga huling gumamit ng smartphones, at iniisip ko noon na hindi ko kayang aralin mga bagong multimedia software.


Ngayon, masaya akong nabubuhay dito sa Australia. Hindi ko maisip na lumipat sa Manila noon pero sa ibang bansa na ako nakatira ngayon. Isa na rin akong Instructional Designer na gumagamit ng latest software para sa Learning and Development. Sinong mag-aakala na ang magiging hobby ko ay blogging, video editing at sound production.


Masasabi ko na ako ay dumaan sa pagsisisi o pag-repent.


Magsisi o Repent


Ang salitang “repent” na nabanggit sa Gawa 3:19 ay galing sa salitang Griyego na metanoia, na ang ibig sabihin ay “pagbabago ng pag-iisip.”


Hindi lang ito basta pagsisisi dahil may nagawa tayong masama, ito ay ang pagdedesisyon na baguhin ang ating buhay.


Metanoia sa Mensahe ni Jesus


Marcos 1:15


15 Sinabi niya, “Dumating na ang takdang panahon. Malapit nang maghari ang Diyos! Kaya magsisi (metanoia) na kayo't talikuran ang inyong mga kasalanan. Paniwalaan ninyo ang Magandang Balita!”


Tama na gawin natin ang ating makakaya upang magbago pero ang pinaka importante ay ang paniwalaan ang Magandang Balita. Tayo ay ligtas na mula sa kasalanan dahil binayaran na ni Jesus ang presyo ng kaligtasan.


Baguhin natin ang ating kaisipan na kailangan nating gumawa ng mabuti para mapunta sa langit. Itatak natin sa ating isip na sapat na ang sakripisyo ni Jesus para sa kabayaran ng kasalanan. Ang kailangan lang nating gawin ay maniwala sa ebanghelyo.


In Summary


Ang pagsisisi na nais ng Diyos ay ang pagbabago ng ating isip tungkol sa kaligtasan. Hindi natin kailangan pag trabahuhan ang kaligtasan, kailangan lang natin maniwala na niligtas tayo ni Jesus mula sa impiyerno.


Prayer of Salvation


Kaibigan, kung nais mong makilala si Jesus, ngunit hindi ka sigurado sa iyong pananampalataya, sabihin ang dasal na ito. Nakikita ng Diyos ang iyong puso, kaya bigkasin mo ang mga salita nang may lubos na paniniwala.


"Ama, ako ay makasalanan. Patawarin mo ako. Naniniwala ako na si Hesus ay namatay sa krus upang ako ay mabuhay nang masagana dito sa lupa hanggang sa langit. Baguhin mo ang aking puso at isip alinsunod sa iyong kalooban. Ito ang aking panalangin, sa makapangyarihang Pangalan ni Jesus, amen."

Kaibigan, kung dinasal mo ito ng may pananampalataya, naniniwala akong maayos na ang iyong relasyon sa Diyos.


Kung nais mong lumago sa iyong pananampalataya, humanap ka ng bible-based church. Maaari ka ring lumapit sa akin sa pamamagitan ng aking mga social media platforms at ang website na ito, www.high3r.com. Gusto kong makatulong sa iyong Christian growth.





Single Post: Blog_Single_Post_Widget
bottom of page