
Juan 16:33
33 Sinabi ko ito sa inyo upang sa inyong pakikipag-isa sa akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan.
Magdaranas kayo ng kapighatian sa sanlibutang ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!”
Ano ang pinakamagandang regalo para sayo? Minsan ang hirap mag-isip.
Naisip ko kapag may nagbigay sa akin ng isang luxury car, mamomroblema ako sa presyo ng insurance.
Paano kung damit? Okay lang. Pero hindi rin ako mahilig pumorma. Itim na T-shirt, maong na pantalon at itim na sneakers lang ang gusto kong isuot.
Naisip ko tuloy na ang pinakamagandang regalo ay yung mga bagay na hindi nabibili ng pera. Halimbawa, mabuting kalusugan, tunay kaibigan, pag-ibig na panghabambuhay, at kapayapaan sa gitna ng kaguluhan.
Alam mo ba na ang mga bagay na ito ang regalo ni Jesus sa atin kapag tinanggap natin Siya bilang Tagapagligtas?
Paano ang mga Problema sa Buhay?
Kapag tinanggap ko si Jesus, mawawalan ba ako ng suliranin?
Matagal ko nang tinanggap si Jesus bilang Panginoon, bakit may mga problema pa rin ako?
Gaya ng sinabi sa Juan 16:33, may problema pa ring darating sa ating buhay kahit na mga Kristiyano na tayo.
Pero kapag nananampalatata tayo kay Jesus, magkakaroon tayo ng kapayapaan sa gitna ng problema dahil alam natin na tutulungan Niya tayong harapin ang mga pagsubok na darating sa ating buhay.
Panalo Na
1 Corinto 15:57
57 Magpasalamat tayo sa Diyos na nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo!
Panalo na tayo. Ipinanalo na ni Jesus ang laban para sa atin. Kailangan na lang nating makilahok, ibig sabihin, haharap pa rin tayo sa pagsubok pero siguradong panalo na tayo sa laban.
In Summary
Napakaganda ng regalo sa atin ng Panginoon kaya naman dapat tayong manampalataya sa Kanya.
May mga pasubok na darating pero alam natin na mapagtatagumpayan natin ang lahat dahil kay Kristo.
Prayer of Salvation
Kaibigan, kung nais mong makilala si Jesus, ngunit hindi ka sigurado sa iyong pananampalataya, sabihin ang dasal na ito. Nakikita ng Diyos ang iyong puso, kaya bigkasin mo ang mga salita nang may lubos na paniniwala.
"Ama, ako ay makasalanan. Patawarin mo ako. Naniniwala ako na si Hesus ay namatay sa krus upang ako ay mabuhay nang masagana dito sa lupa hanggang sa langit. Baguhin mo ang aking puso at isip alinsunod sa iyong kalooban. Ito ang aking panalangin, sa makapangyarihang Pangalan ni Jesus, amen."
Kaibigan, kung dinasal mo ito ng may pananampalataya, naniniwala akong maayos na ang iyong relasyon sa Diyos.
Kung nais mong lumago sa iyong pananampalataya, humanap ka ng bible-based church. Maaari ka ring lumapit sa akin sa pamamagitan ng aking mga social media platforms at ang website na ito, www.high3r.com. Gusto kong makatulong sa iyong Christian growth.