top of page

Ano ang Mensahe ng Bible para sa Mother’s Day?



Roma 12:15

15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis.


Mother’s day. Ang araw kung saan ipinagdiriwang ng mga tao ang lahat ng nanay sa mundo. Dapat naman talagang ipagdiwang ang mga nanay dahil sinakripisyo nila ang kanilang pagkatao para tayo ay mailuwal, mabuhay, mapalaki at mapaunlad.


Sabi sa Roma 12:15, magsaya tayo kasama ng mga nagdiriwang at malungkot tayo kasama ng mga nagdurusa, kaya naman hinihikayat ko ang lahat na magsaya at magdiwang ngayong Mother’s Day. Ipagsigawan natin sa mundo ang pagmamahal sa ating mga Nanay dahil karapat-dapat silang mahalin at purihin.


Nais ko ding ipaalala sa lahat na hindi lamang tuwing Mother’s Day dapat ipakita ang pagmamahal natin sa ating ina. Ayon sa Bible, dapat lagi nating pinapasaya, iginagalang, pinupuri, at pinaparangalan ang ating mga ina.


Pasayahin si Nanay


Mga Kawikaan 23:25-27


25 Sikapin mong ikaw ay maging karapat-dapat ipagmalaki ng iyong mga magulang at madudulutan mo ng kaligayahan ang iyong ina.


Ano ang pwede nating gawin para mapasaya si Nanay sa bawat araw?


Hindi mahalaga kung maliit o malaki, mumurahin o mahal, basta ang mahalaga, mapapasaya nito si Nanay. Karaniwan nga, kung ano pa ang simple, yun pa ang nagbibigay ng lubos na kasiyahan.


Igalang at Purihin si Nanay


Proverbs 31:28


28 Iginagalang siya ng kanyang mga anak at pinupuri ng kanyang kabiyak.


Paano natin ipinapakita ang paggalang kay Nanay?


Kailan natin huling pinuri si Nanay?


Kahit may hindi pagkakasunduan, piliin nating magbigay ng galang kay Nanay. Hanapin natin ang mga pagkakataon na purihin siya. Kahit sa mga simpleng bagay, purihin natin ang ating mga ina.


Parangalan si Nanay


Proverbs 31:31


31 Ibigay sa kanya ang lahat ng parangal, karapat-dapat siya sa papuri ng bayan.


Bigyan natin ng regalo o gumawa tayo ng mga bagay bilang parangal kay Nanay. Gawin natin ito hindi lamang sa nais nating sumunod sa Bible, pero dahil galing ito sa ating puso at sa pagmamahal.


In Summary


Makipagdiwang tayo kasama ng buong mundo ngayong Mother’s Day.


Huwag kalimutan na nais ng Diyos na palagi nating pasayahin, igalang, purihin at parangalan ang ating mga nanay.


Prayer of Salvation


Kaibigan, kung nais mong makilala si Jesus, ngunit hindi ka sigurado sa iyong pananampalataya, sabihin ang dasal na ito. Nakikita ng Diyos ang iyong puso, kaya bigkasin mo ang mga salita nang may lubos na paniniwala.


"Ama, ako ay makasalanan. Patawarin mo ako. Naniniwala ako na si Hesus ay namatay sa krus upang ako ay mabuhay nang masagana dito sa lupa hanggang sa langit. Baguhin mo ang aking puso at isip alinsunod sa iyong kalooban. Ito ang aking panalangin, sa makapangyarihang Pangalan ni Jesus, amen."


Kaibigan, kung dinasal mo ito ng may pananampalataya, naniniwala akong maayos na ang iyong relasyon sa Diyos.


Kung nais mong lumago sa iyong pananampalataya, humanap ka ng bible-based church. Maaari ka ring lumapit sa akin sa pamamagitan ng aking mga social media platforms at ang website na ito, www.high3r.com. Gusto kong makatulong sa iyong Christian growth.

Single Post: Blog_Single_Post_Widget
bottom of page