top of page

Ano ang Mensahe Mo?



Juan 17:20


20 “Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi pati ang mga mananalig sa akin dahil sa kanilang pahayag


Playoffs basketball. Para sa akin, ito ang pinaka exciting na panahon sa sports. Mas mabilis at agresibo ang laro kapag playoffs na.


Kapag playoffs, normal lang na nagkakasakitan ang mga players dahil nagbibigayan sila ng mensahe. Ano ang mensahe? Masasaktan ka kapag ako ang kaharap mo.


Gaya ng mga basketball players, dapat may mensahe din tayo na ipinapahayag sa buong mundo. Siyempre, hindi tungkol sa pananakit ang message natin dahil sabi sa Juan 17:20, ipinagdarasal ni Jesus ang mga maniniwala sa Kanya nang dahil sa ating pahayag.


Ikaw? Ano ang message mo?


Mabuti o Masama


Filipos 2:13-15


13 sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban.


14 Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang reklamo at pagtatalo, 15 upang kayo'y maging mga ulirang anak ng Diyos, matuwid at walang kapintasan sa gitna ng sanlibutang baluktot at masama.


Sa gayon, magsisilbi kayong mga ilaw sa kanila, tulad ng mga bituing nagniningning sa kalangitan


Bilang Kristiyano, dapat mabuti ang maging mensahe natin sa mundo para lalo pang dumami ang maniwala kay Jesus.


Sabi sa Filipos 2:13-15, ang Diyos ang magtuturo sa ating kung ano ang dapat nating gawin. Kung gagawin natin ang mga utos ng Diyos magiging mabuti tayong halimbawa sa mundo.


Malalaman natin ang mga nais na ipagawa sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal, pagbabasa ng Bible at pagsimba.


Sumunod tayo sa Panginoon ng may kagalakan at walang reklamo. Tandaan na kaya nating gawin ang lahat ng bagay dahil kay Jesus.


In Summary


Nais ng Diyos na makilala Siya ng mas maraming tao at gagamitin Niya ang ating buhay para mabigyan ng glorya ang Kanyang pangalan.


Sumunod tayo sa Diyos at maging mabuting halimbawa.


Prayer of Salvation


Kaibigan, kung nais mong makilala si Jesus, ngunit hindi ka sigurado sa iyong pananampalataya, sabihin ang dasal na ito. Nakikita ng Diyos ang iyong puso, kaya bigkasin mo ang mga salita nang may lubos na paniniwala.


"Ama, ako ay makasalanan. Patawarin mo ako. Naniniwala ako na si Hesus ay namatay sa krus upang ako ay mabuhay nang masagana dito sa lupa hanggang sa langit. Baguhin mo ang aking puso at isip alinsunod sa iyong kalooban. Ito ang aking panalangin, sa makapangyarihang Pangalan ni Jesus, amen."


Kaibigan, kung dinasal mo ito ng may pananampalataya, naniniwala akong maayos na ang iyong relasyon sa Diyos.


Kung nais mong lumago sa iyong pananampalataya, humanap ka ng bible-based church. Maaari ka ring lumapit sa akin sa pamamagitan ng aking mga social media platforms at ang website na ito, www.high3r.com. Gusto kong makatulong sa iyong Christian growth.


Single Post: Blog_Single_Post_Widget
bottom of page