top of page

Ano ang Libangan Mo?




Mga Gawa 5:42


42 At araw-araw, sa Templo at sa mga bahay-bahay, walang tigil silang nagturo at nangaral ng magandang balita tungkol kay Jesus, ang Cristo.


Ano ang mga libangan mo? Sabi nila, ang libangan daw natin ang mga bagay na pinaka gusto nating gawin sa mundo. Gagawin natin ito kahit hindi tayo bayaran. Kahit parang walang kabutihan na naidudulot sa mundo o kaya hindi naiintindihan ng mga tao, gagawin pa rin natin ang mga bagay na gusto nating gawin.


Ito ang mga bagay na patuloy kong gagawin kahit ano man ang mangyari: magsulat ng mga devotional stories, gumawa ng videos, at gumawa ng kanta.


Masaya akong gawin ang mga bagay na ito kahit na mapapagod ako, sumakit ang katawan, at magkakagastos. Iba talaga kapag ginagawa mo ang mga bagay na gusto mo.


Gusto si Kristo


Minsan, nakokonsensya ako kapag naiisip ko ang aking ministry. Sa tingin ko, may panahon na mas higit ang pagnanais ko sa mga libangan ko kaysa kay Kristo.


May panahon na naging una sa buhay ko ang Diyos. Yung tipong kapag tinanong mo ako kung ano ang pinakamahalaga sa buhay ko, masasagot ko na ang Diyos ang una sa aking buhay ng hindi mahihiya.


Ipinagdarasal ko na muling mabuhay ang debosyon ko sa Panginoon. Hindi naman huli ang lahat. Laging may pag-asa pag nanampalataya ka kay Hesus.


Mga Tanong


Ikaw ba, sino o ano ang pinakamahalaga sa buhay mo?


Ano ang kumukuha ng oras at atensyon mo?


Gusto mo bang unahin ang Diyos sa iyong buhay?


Prayer of Salvation


Kaibigan, kung nais mong makilala si Jesus, ngunit hindi ka sigurado sa iyong pananampalataya, sabihin ang dasal na ito. Nakikita ng Diyos ang iyong puso, kaya bigkasin mo ang mga salita nang may lubos na paniniwala.


"Ama, ako ay makasalanan. Patawarin mo ako. Naniniwala ako na si Hesus ay namatay sa krus upang ako ay mabuhay nang masagana dito sa lupa hanggang sa langit. Baguhin mo ang aking puso at isip alinsunod sa iyong kalooban. Ito ang aking panalangin, sa makapangyarihang Pangalan ni Jesus, amen."


Kaibigan, kung dinasal mo ito ng may pananampalataya, naniniwala akong maayos na ang iyong relasyon sa Diyos.


Kung nais mong lumago sa iyong pananampalataya, humanap ka ng bible-based church. Maaari ka ring lumapit sa akin sa pamamagitan ng aking mga social media platforms at ang website na ito, www.high3r.com. Gusto kong makatulong sa iyong Christian growth.

Single Post: Blog_Single_Post_Widget
bottom of page